Madalas itong lumalabas sa news nitong mga nakaraang linggo. Laman ng mga bakita na may novel o bagong coronavirus na nagsimulang kumalat sa Wuhan (sentro ng outbreak o sakuna) at iba pang probinsya ng China ngayon na nakikita na din sa iba't ibang parte ng mundo.
Minsan na din itong naging source ng panic dito sa Pilipinas dahil sa kakulangan natin ng kaalaman tungkol dito. Sabi nga nila, we fear the unknown. Marami tayong katanungan na hindi pa masagot-sagot dahil mas binibigyang-importansya ngayon ng gobyerno ng China na mahanap yung mga may sakit nang sa ganoon ay maalagaan at mabantayan sila asagad. Ang suliraning ito ay mas mahirap sagutin kumpara sa tanong na "bakit niya ako iniwan?"
Pero ano nga ba ito at ano ang naidudulot nito? Ang 2019 novel coronavirus o 2019-nCoV ay isang bagong uri ng coronavirus. Ang coronavirus ay isa sa mga mikrobyong dahilan kung bakit tayo nagkaka-sipon. ng
Ang pinagkaiba lang ng 2019 nCoV sa mga coronavirus na karaniwang nagdudulot ng sakit sa atin ay hindi pa natin masyadong natutukoy o nalalaman kung papaano ito gumagalaw o umatake sa katawan dahil nga bago ito.
Ang pinagkaiba lang ng 2019 nCoV sa mga coronavirus na karaniwang nagdudulot ng sakit sa atin ay hindi pa natin masyadong natutukoy o nalalaman kung papaano ito gumagalaw o umatake sa katawan dahil nga bago ito.
Image Courtesy: Wikipedia |
Ang alam lang natin ay nakakapagdulot ito ng iba't ibang sintomas na may kinalaman sa baga o lungs natin gaya ng ubo, hirap sa paghinga, tsaka lagnat. Dahil sa mga sintomas na ito, ang nakikitang epekto nito'y para kang may pulmonya o pneumonia. Ang opisyal na tawag sa sakit na ito ay COVID-19 o coronary virus disease. 19 kasi nitong December 2019 nadiskubre ang sakit na ito.
So, 2019-nCoV ang nagdudulot ng sakit na COVID-19. Okay? Malinaw na?
Karamihan sa natatamaan ng sakit na COVID-19, batay sa current data na mayroon ang China at ang World Health Organization, ay nakakaranas ng mild symptoms (ubo, lagnat na kusang nawawala) lang kung kaya't napapauwi sila matapos maadmit sa hospital ng maraming araw.
Sa ngayon, nasa 2% ng mga nagkaka-COVID-19 (o dalawa kada 100 taong may COVID-19) ang namamatay sa Wuhan, kung kaya't yung mga taong may sintomas na binanggit sa itaas na nanggaling ng China (hindi lang sa Wuhan ha, pati na rin sa Macau, Taiwan, Hong Kong) ay kailangang matingnan ng doktor. Mas magandang maaga silang magpakonsulta para maagang malaman kung positibo ba sila sa 2019-nCoV o COVID-19 virus at mas tumaas yung chance na maagapan yung paglala ng pulmonya ng mga ito. Early detection is key. Karamihan sa mga namamatay ay mga matatanda (elderly) o di kaya'y may kasamang iba pang pangmatagalang sakit (sakit sa puso, immunocompromised).
Pero papaano nga ba natin maiiwasan ang pag-laganap ng virus na ito? Paano ba maiiwasan ang hawaan? Basahin ang mga payo sa ibaba.
Please, wag na wag niyong kalilimutang maghugas lagi ng kamay. Ito ang pinaka-importanteng advice na dapat sundin. Sa paggamit ng sabon at tubig sa paghahand wash, mas mapapanatiling malinis ang ating mga kamay na siyang pangunahing parte ng katawan na ginagamit natin sa araw-araw na gawain.
Image Courtesy: DOH |
Maraming nagtatanong kung kailangan nga ba nating magsuot ng face mask. Ang mga sumusunod lamang ang higit na nangangailangan ng face mask. Pakitingnan po ang susunod na infographics.
Ginagamit ito ng mga pasyenteng positibo sa nCoV para hindi sila makahawa sa mga kamag-anak nila o sa mga mag-aalagang nurse, doctor, at staff. Proteksyon din ito ng mgo doktor at mga kamag-anak ng mga pasyenteng may COVID-19 para di sila mahawa, Tandaan na maaring makahawa ang pasyenteng may COVID-19 sa pamamagitan ng pag-ubo within 6 feet. Kung malayo ka naman sa kanya all the time at hindi ka laging exposed ay ibigay na lamang ang face masks sa mga kamag-anak niyang nagbabantay.
Iwasan nating maghoard ng face masks dahil kawawa iyong mga pasyente, kamag-anak nila, at mga doktor, nurse at iba pang nagtratrabaho sa loob ng ospital. Sa kasalukuyan, wala pang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa tatlong nagpositibo nitong nakaraang buwan, isa ang namatay at dalawa ay na-discharge na.
Image Courtesy: DOH |
Ngayon, kung isa ka sa mga dapat magsuot ng face mask, heto ang mga tips kung papaano ang tamang pagsuot ng surgical face mask.
Image Courtesy: DOH |
Makakatulong din na ugaliin ang proper cough etiquette nang sa gayon ay makaiwas din tayo sa paghawa ng ubo o sipon sa mga kasama natin sa bahay o sa trabaho.
Image Courtesy: DOH
|
Kung may mga katanungan, maaari po lamang ay magcomment kayo sa ibaba o i-message ako sa Facebook. Sana'y nakatulong ito kahit papaano. Salamat po.